30 October 2015

Katibayang Nagsisinungaling si Boyet Menorca sa kaniyang video ini-upload sa Youtube na nagsasabing siya daw ay "illegally detained" sa loob ng Central Compound



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen Angels
part 40

SINO SI
LOWELL (BOYET) MENORCA?
Ikatlong Bahagi

Katibayan na Nagsisinungaling si Boyet Menorca sa Pagsasabing siya’y “Illegally Detained” sa loob ng Central Compound



MARAMI ang nagulat nang naglabas si Lowell “Boyet” Menorca II sa Youtube na nagsasabing siya raw ay illegally detained sa Central Compound ng Iglesia Ni Cristo. Sa video na ini-upload sa Youtube ay sinabi niya ang mga sumusunod:

“Nais ko pong ipaalam sa inyo na mula po noong July 25 hanggang October 21 kami po ay illegally detained sa Central Compound ng Iglesia Ni Cristo. Hindi po namin kailanman hiniling sa Pamamahala na bigyan kami ng pabahay doon, na kami ay ilagay sa protective custody ng Iglesia Ni Cristo. Kaya po nila ginawa iyon sapagkat ginamit nila ang pagkakataon na iyon na alisin ako sa kulungan, ilagay ako sa isang controlled environment na kung saan maaari nila akong puntahan anytime, kausapin, i-interrogate, at makuha nila ang mga impormasyong gusto nilang makuha mula sa akin patungkol sa panulat ng Antonio Ebangelista. At sa mga pagkakataong iyon kung saan kami ay illegally detained ay wala kaming kalayaan makaalis o malayang pumunta kung saan namin gusto.”

Pansinin ang kaniyang mga pag-angkin o paratang: (a) sila ay “illegally detained”; (b) nasa isang “controlled envidronment”: (c) wala silang kalayaan na makaalis o malayang pumunta kung saan nila gusto; at (d) hindi raw nila hiniling sa Pamamahala na bigyan sila ng pabahay at mapasailalim ng protective custody ng Central.

(1) Maliwanag na nagsisinungaling si Boyet Menorca sa kaniyang pahayag na inisa-isa sa itaas na binanggit niya sa kaniyang video sa Youtube. Ito ang affidavit na ginawa at nilagdaan mismo ni Boyet Menorca:

Ang affidavit na ginawa ni Boyet Menorca
bago siya dalhin sa Central Compound

Ang “affidavit” na ito’y sulat kamay ni Boyet Menorca mismo, at may lagda niya. Dalawang bagay ang pinatutunayan dito: (1) siya mismo ang nagpatotoo na hindi siya dinukot, at (2) na siya ang humingi ng “suporta” mula sa Pamamahala ng Iglesia. Dahil sa kaniyang affidavit na ito, nagbubulag-bulagan na lamang ang hindi makakita na nagsisinungaling talaga si Boyet Menorca sa kaniyang ini-upload na video sa Youtube noong October 23, 2015.

(2) Kung talagang “illegally detained” siya at ang kaniyang pamilya, “held against their will” ika nga, at may panganib sa kanilang buhay, bakit noong siya ay ininterbyu ng GMA News sa labas ng Central Compound, sa isang restaurant ay hindi niya sinamantala iyon para makatas at makahingi ng tulong sa mga reporter ng GMA News. Napakagandang pagkakataon iyon para makatakas siya dahil nasa labas sila ng Central at may kaharap na media. Kahit pa sabihing sa pagkakataong iyon ay kasama niya ang kaniyang abogadong INC memner, subalit sa panahong kinukunan siya ng GMA News ay may magagawa ba sila kung siya ay “bumaligtad” ng pagkakataong iyon? Subalit, sa halip na tumakas o humingi man lang ng saklolo sa mga reporter ng GMA News ay nagbigay pa siya ng statement na hindi sila dikukot at bagkus ay nasa maayos na kalagayan. Nanawagan pa siya sa kaniyang kapatid na tumigil na sapagkat maayos naman ang kaniyang kalagayan.

Panayam ng GMA News kay Boyet Menorca


 Si Sandra Aguinaldo habang kinakapanayam si Boyet Menorca

Itinanggi ni Boyet sa harap ng GMA News na bihag siya ng INC

Sinabi niya sa GMA News na kagustuhan niya na sa Central muna mamalagi


If you want to see the video click this link

 (3) Sa video sa ibaba ay makikitang “maganda” ang kaniyang kalagayan at nakapupunta sila ng kaniyang pamilya sa kanilang naisin. Maiwanag na naman na nagsisinungaling si Boyet Menorca. Panuorin ang videong ito:



Maliwanag na kinupkop siya ng Pamamahala at maganda ang kaniyang naging kalagayan sa Central Compound, taliwas sa kaniyang inaangkin na “tinortyur” daw siya. Maliwanag din na makikita sa video na salu-salungat ang mga pahayag ni Boyet Menorca.

Hindi ito lamang ang “patunay” na nagsisinungaling ka kundi “patikim” lamang iyan para makita na agad ng madla na nagsisinungaling ka. Alam mo na ang Central Compound ay puno ng CCTV (for security purposes). Hindi mo ata sinabi iyan sa abogada mo? May lalo pang mabibigat na ebidensiya na makapagpapatunay na nagsisinungaling ka lamang Boyet. Subalit, hayaan na lang natin sa proper forum lumabas ang iyan. Sa palagay namin ay sapat ang naipakita sa “video” sa itaas para makita agad ng madla ang iyong pagsisinungaling.

Bakit ba biglang bumaliktad si Boyet Menorca at biglang “ipinagkanulo” ang Pamamahala ng Iglesia? Ano rin ang sagot sa kaniyang mga ipinahayag sa ginawa niyang presscon? Tatalakayin natin iyan at marami pa sa mga susunod nating artikulo. ABANGAN ANG IKA-APAT NA BAHAGI.

ITUTULOY

11 comments:

  1. Isang buhay lamang ang pinagkaloob sa atin, at tayo'y naging mapalad pa't sa awa ng Diyos ay nasa loob ng Iglesia. Sa bawat araw ng ating buhay ay marapat lamang na tayo'y gumawa ng mga bagay na kalugod lugod sa Panginoong Diyos, sa pagsunod sa utos, at sa katapatan sa Kaniya. Para sa mga kapatid ko, mga kabataang Iglesia Ni Cristo, sana ang mga pangyayaring katulad nito ay magsilbing paalala sa ating lagi na sa ating paggawa ay kailangang maging tapat at tunay na Cristiano tayo. Walang maitatago sa paningin ng Ama, kahit ang laman ng puso at isip ay Kaniyang nakikita. Ang mga hindi tapat ay inihahayag Niya kaya't tulad nitong taong sinungaling na ito ay nahuhulog na bitag sa kaniyang sariling patibong.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama po yan kapatid na alam ng Dios ang laman ng ating puso.

      Delete
  2. *nahulog na biktima sa kanyang sariling patibong

    ReplyDelete
  3. ^_^ Nakakainip po pero exciting! Gusto na po naming magkakapatid na mabasa ang karugtong! (Y)

    ReplyDelete
  4. Sa mga ministro at manggagawa na lumalaban na sa pamamahala ng iglesia. Kung totoo na hindi kayo si antonio evanghelista bakit hindi kayo magbalik loob?
    Sa mga fallen angel naman ang iglesia ni cristo ay hindi family bussines ng mga manalo. Ang nagtayo ay ang panginoon jesus. Ang sinugo na mangaral sa ating bansa ay si kapatid na felix. At ang may ari ay ang panginoon Diyos at hindi ang mga manalo o si kapatid na eduardo manalo.

    ReplyDelete
  5. Sa mg ministro at manggagawa na natiwalag. Ang pabahay ba na ipinatayo ng pamamahala para sa mga ministro at manggagawa na nagtratrabaho saloob ng inc compound ay labag ba sa aral ng Diyos? Ang pastoral house at ang dorm ng ministerial student,ang pabahay sa mga constraction worker ng inc, mgapabahay para sa mga nasalan ta ng kalamidad,ang collage of evangelical building,ang inc hospital. Sabihin nyo ngayon gibain ang lahat ng ito dahil labag sa doctrina.
    Ang philippine arena, dito isinasagawa grand evangelical mission na pinangungunahan ng ministro sa pagpapalaganap .saan titira ang distinado kong walan pastoral house.ang hospital ng inc ay para sa mga ministro
    Mahalaga ang kapilya mahalaga rin ang mga ito.

    ReplyDelete
  6. Hirap talaga kapag ang tao ay may inggit at paghihimagsik sa puso dahil wala ng magawang tama puro taliwas na sa katotohanan. Masyadong nabulagan na kayo mga fallen angel nasilo na kayo ng patibong ni diablo.

    ReplyDelete
  7. Opo. Pagdumating ang Panginoong Jesucristo ay mabibigla o magugulat sila dahil nabulag na sila sa sarili nilang masamang hangarin.

    ReplyDelete
  8. Nahayag lang ang mga taong taksil,sa Diyos, at sa Panginoong Jesucristo at sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo! Isa nga sa mga ito, ay si Lowell (acting & mapagpakunwari pa more) Menorca II at si Antonio (HIBANGelista) Evangeslista, Kelly Wrong(Joy Yuson. aka Kelly Ong). Illegally detained daw itong si Lowell Menorca II, mula July 25, 2015 hanggang October 21, 2015? Ang tanong ay ito...Kung natorture at illegally detained di umano daw siya, sa pagitan ng mga petsang nabanggit sa itaas? ay bakit nakakagala pa siya,noong August 11, 2015 at August 28, 2015? Samakatuwid, nahahayag lang ang MALAKING KASINUNGALINGAN ng TAKSIL na taong ito(Lowell Menorca II)! at nahayag din ang kanyang pangsariling motibo at kapakanan, at layunin para sirain ang Liderato ng Iglesia Ni Cristo, at pinsalain ang Iglesia Ni Cristo sa kabuuan, sa pamamagitan ng pagkakanulo niya sa Pamamahala ng Iglesia! At pati ang SCAN International, ay sinisiraan na rin nya at pinaratangan pa ng masama! HINDI NA NATAKOT SA DIYOS ANG TAKSIL NA TAONG ITO(Lowell Menorca II)! Ginoong Menorca! MAG MENOR KA NGA! sa MGA PARATANG at mga KASINUNGALINGAN MO! HINDI MO BA NAPAPANSIN? na unti-unti ka nang hinihila ng ama mong diablo! patungo sa walang hanggang kapahamakan! KAPAMAHAKAN SA PARUSANG WALANG HANGGAN, SA DAGAT-DAGATANG APOY at ASUPRE!

    ReplyDelete
  9. Let us stand firm in the true faith and by the side of Church Administration. We won't go wrong in attaining salvation.

    ReplyDelete
  10. Revelation 21:8
    But the cowardly, the unbelieving, the vile, the murderers, the sexually immoral, those who practice magic arts, the idolaters and all LIARS--they will be consigned to the fiery lake of burning sulfur. This is the second death."

    Who are LIARS?

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)